Home » News: Tour of Luzon Cycling Race, Muling Babangon Matapos ang Dalawang Dekadang Hiatus

News: Tour of Luzon Cycling Race, Muling Babangon Matapos ang Dalawang Dekadang Hiatus

by GNN News
0 comments

Marso 10, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00

Matapos ang higit dalawang dekadang pahinga, muling magbabalik ang Tour of Luzon: The Great Revival, ang pinakamatandang cycling race sa Asya. Nakatakdang magsimula ang prestihiyosong karera sa Abril 23, 2025.

Layunin ng Tour of Luzon na hindi lamang tumuklas ng bagong Filipino cyclists kundi ipakita rin ang likas na ganda ng Luzon at ang masisiglang komunidad mula sa iba’t ibang lungsod at bayan.

Aarangkada ang mga siklista mula sa Laoag City, tatahakin ang iba’t ibang kalsada ng Luzon, at tatapos sa Lingayen, Pangasinan, bago marating ang final lap nito sa Baguio City sa Mayo 1, 2025.

Ang pagbabalik ng Tour of Luzon ay isang malaking hakbang para sa Philippine cycling scene, na magpapalakas hindi lamang sa isport kundi pati na rin sa lokal na turismo at ekonomiya.

You may also like

Leave a Comment