36
Marso 10, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Laya na sa bilangguan si impeached South Korean President Yoon Suk Yeol matapos ang naging desisyon ng korte.
Ayon sa korte, papayagan si Yoon na harapin ang impeachment at criminal trial kahit hindi siya nakakulong. Matatandaang higit isang buwan o 55 araw siyang nakulong matapos arestuhin at ma-indict kaugnay ng kanyang nabigong pagpapatupad at panandaliang deklarasyon ng martial law noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sa kabila ng kanyang paglaya, patuloy na haharapin ni Yoon ang mga kasong isinampa laban sa kanya, kabilang ang pagsuway sa batas at pang-aabuso ng kapangyarihan.