Marso 10, 2025 | 6:40 AM GMT+08:00
Binigyang-pugay ng Philippine Air Force (PAF) ang dalawang piloto na nasawi sa pagbagsak ng kanilang eroplanong pang-militar sa Bukidnon.
Iginawad kina Major Jude Salang-oy at First Lieutenant April John Dadulla ang Distinguished Aviation Cross, ang pinakamataas na parangal na maaaring matanggap ng isang aviator sa PAF, bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan at sakripisyo para sa bayan.
Matatandaang noong Marso 5, 2025, bumagsak ang kanilang eroplanong pang-militar habang nagbibigay ng air support sa mga tropang tumutugis sa New People’s Army (NPA) sa Bukidnon.
Ayon sa Philippine Air Force, patuloy nilang paiigtingin ang pagsasanay at seguridad ng kanilang mga misyon upang maiwasan ang ganitong trahedya sa hinaharap. Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng sinakyang eroplanong pang-militar ng mga nasawing piloto.